Kinilala ni Sr. Insp. Reynaldo Galam, Officer-In-Charge ng Dasmariñas Police Station, ang biktima na si Gabriel Baquirin, 38, driver at taga-deliver ng karneng baboy na negosyo ng nasabing alkalde at nakatira sa Brgy. Tanzang Luma, Imus, Cavite.
Si Baquirin ay nasawi bunga ng tama ng di-pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo.
Kasalukuyang tinutugis naman ng awtoridad ang suspek na sakay ng isang motorcycle scooter na kulay pula at walang plaka.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Cornelio Bugayong, may hawak ng kaso, bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang pananambang. Kasalukuyan umanong nagdidiskarga ng mga karneng baboy ang biktima sa nasabing pamilihan nang lumapit ang di-kilalang suspek sakay ng isang scooter at walang sabi-sabing binaril ng malapitan sa ulo.
Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang get-away vehicle dala ang baril na ginamit sa pamamaslang.
May hinala ang pulisya na posibleng may matagal nang alitan ang biktima at suspek na nagbunsod ng krimen habang pinag-aaralan naman ang teorya na pulitika ang nasa likod ng pagpatay sa driver ni Mayor Jaro. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)