Libre toll fee ng NLEX, SCTEX, CAVITEX, CALAX ngayong Pasko, New Year

Umaasa kahapon ang mga naghihintay na pasahero na makasakay o ‘chance passenger’ dahil sa fully booked ang mga bus sa Parañaque Integrated Transport Exchange, Parañaque City, patungo sa mga lalawigan, dalawang araw bago ang araw ng Pasko.

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang kanilang libreng tollgate fee ngayong holiday season.

Sa kanilang Facebook page, ibinahagi ng MPTC kahapon, ang kanilang “Pamaskong MPTC” para sa mga motorista.

Ayon sa MPTC, iiral ang toll free passage mula alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 24 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 25 at mula alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 1, 2025.

Sakop umano nito ang North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector, Su­bic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), at Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).

Una na ring inanunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) noong Biyernes na iwi-waived nila ang toll fees ng Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa mga ispesikong oras para sa holidays bilang regalo sa mga motorista.

Show comments