Ratings ni VP Sara, sumadsad ng 12 puntos noong Nobyembre

Vice President Sara Duterte on October 22, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inilabas nitong linggo ang isinagawang survey ng Pulse Asia na kung saan ay sumadsad ng 12 puntos ang trust at approval ratings ni Vice President Sara Duterte noong Nobyembre.

Ayon sa Pulse Asia, ang trust rating ni VP Sara noong nakaraang buwan ay nasa 49% na lamang, mula sa dating 61 noong Setyembre, na 12% point decline.

Habang 10% naman ang ibinaba ng kanyang approval rating, na mula sa nasa 50% na lamang noong Nobyembre, mula sa da­ting 60% noong Setyembre.

Nabatid na isinagawa ng Pulse Asia ang naturang survey noong nakaraang buwan, sa kasagsagan ng paghahain ng impeachment complaints laban sa bise presidente na nag-ugat sa mga umano’y iregularidad sa paggamit ng kanyang tanggapan ng confidential funds at pagbabanta laban kina Pang. Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Ang naturang pinakahuling Pulse Asia survey ay mayroong 2,400 sample size at may ±2 percent na margin of error.

Show comments