Mag-asawa timbog sa higit P300K shabu

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang isang mister na high value individual (HVI) at ang kaniyang misis sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Pateros, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Popoy”, 50-anyos,  at “Melissa”, 45, residente ng Hermosa St., Barangay San Roque, Pateros, Metro Manila.

Sa ulat ng pulisya, bago naaresto, alas-6:30 ng umaga ang mag-asawa sa kanilang bahay ay nakabili ang isang otoridad na nagpanggap na buyer ng shabu.

Pagkaabot sa nasabing droga ay dito na inaresto ang mag-asawa at nasamsam ang nasa 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.00; buy-bust money, digital weighing scale; at ang cellphone na ginamit sa transaksyon.

Show comments