Mag-ina pinagbabaril ng tandem

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 42-anyos na ginang habang malubhang nasugatan ang anak nitong babae matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa Caloocan City. 

Ang nasawi dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Marilyn San Pedro, habang isang bala naman ang tumama sa mukha ng 19-anyos nitong anak na si Rachelle, kapwa residente ng Phase 9 Package 3 Block 25 Lot 25, Brgy. Bagong Silang.

Sa inisyal, dakong alas-5:30 ng hapon ay nasa tapat ng kanilang bahay ang mag-ina nang huminto sa tapat nila ang isang motorsiklong walang plaka lulan ang dalawang lalaki at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga biktima.

Ilan sa unang lumulutang na posibleng anggulo ay sigalot sa agawan sa lupa o pagkakautang umano ng biktima.

 

Show comments