MANILA, Philippines - Naniniwala ang isang police official ng Southern Police District (SPD) at ProGun Acting secretary general Atty. Ernesto Tabujara na self-inflicted o sinadya ang tinamong sugat ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla mula sa kalibre .40 baril nito.
Bukod dito ay aalamin ng nasabing police official kung lisensiyado ang baril na nakaaksidente kay Jolo at hinihintay na lamang nila na ito ay isuko sa kanila ng Pamilya Revilla.
Ayon kay Tabujara, na pinag-aralan niya ang pagkakabaril kay Jolo batay sa tinamong sugat sa kanang bahagi ng katawan at ang pagiging right-handed nito.??
“Sa tingin ko, based on the report on the trajectory ng baril at sa tama niya sa chest, feeling ko ito ay self-inflicted. Medyo (sinadya). Kung mayroon mang aksidente, parang napakaibang aksidente ‘yun. Baka may ibang tao, di natin alam.??“Mukhang malabo rin kasi ang posisyon kasi ‘pag humahawak ng baril, usually naka-point away sa tao... ‘pag tinamaan ka sa chest, dapat ‘yung position mo medyo weird,”?pahayag ni Tabujara.
Nauna ng sinabi ng pamilya Revilla sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Atty. Raymond Fortun, na aksidenteng nabaril ni Jolo ang sarili? habang nililinis nito ang government-issued na armas sa bahay ng inang si Bacoor City, Cavite Rep. Lani Mercado sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City noong Sabado ng umaga.??
Sinabi pa ng pulisya, kapag-na-turn-over na sa kanila ang baril, dito nila malalaman kung lisensiyado ang baril na nakaaksidente kay Jolo.
Ayon pa sa naturang police official, may paglabag umano sa batas ang pamunuan ng Asian Hospital dahil hindi nito kaagad ini-report sa Muntinlupa City Police ang insidente.
Idinagdag pa ni Tabujara na napag-usapan na rin aniya ito sa official Facebook page ng ProGun Philippines kung saan ibinahagi ng ibang gun experts ang kanilang teorya sa insidente.
Ipinaalala naman ni Tabujara ang four gun rules for safety upang hindi makapahamak ang isang nagmamay-ari ng baril:-lahat ng baril ituturing na may bala sa loob
- huwag ituturo ang baril sa isang tao o bagay na ayaw barilin-huwag ilagay ang daliri sa gatilyo hanggang hindi handang magpaputok-mag-iingat sa babarilin upang hindi lumagpas ang bala.
Samantala, naging madamdamin ang pagkikita nina Sen. Bong Revilla at Jolo ng dumalaw ang una matapos payagan ng Sandigan ang senador na dalawin ang anak sa ospital mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.