MANILA, Philippines - Patuloy ang isinasagawang paglilinis ng Bureau of Customs (BoC) hinggil sa listahan ng mga importer at brokers na accredited mula sa Interim Customs Accreditation and Registration (ICARE) unit na isang programa ng ahensiya upang sugpuin ang illegal smuggling partikular ang rice smuggling sa bansa.
Kaya naman ay tumaas pa ang bilang ng mga importer at broker na tinanggalan ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ng accreditation para maÂkapag-angkat ng bigas.
Nitong nakalipas na Pebrero 20, 2013 ay 39 pang importers at broker ang inalis sa listahan ng ICARE-BoC bukod pa sa 14 kumpanya at kooperatiba na una nang tinanggalan nito ng accreditation.
Nabatid kay Biazon na sa 39 imporÂter at broker na tinanggal sa listahan ang 16 dito ay pawang mga kooperatiba na walang track record at ang iba naman ay maliliit na kumpanya, na hindi naÂkaÂpag-comply sa ibang requirements na itinakda ng BoC.
Sa kasaysayan ng BoC ay tinatayang umabot na sa 170 kabuuang bilang ng mga importers at broker ang inalis na sa listahan ng ICARE maituturing na ang pinakamataas sa kasaysayan ng ahensiya.