Styrofoam ipagbabawal na rin

MANILA, Philippines - Isusunod na ipagbaba­wal sa merkado ang paggamit ng Styrofoam na tulad ng plastic na nauna nang ipagbawal ay delikado rin sa kalusugan ng tao at kapaligiran.

Ipinaliwanag ni Manila Rep. Ma. Theresa Bonoan-David na ang styrofoam ay isang trade name ng subs­tance na polystyrene na isang petroleum-based plastic at gawa sa 95% air filling kaya ito ay napakagaan.

Batay sa United States Environmental Protection Agency, Workers, ang sob­rang exposure sa polystyrene na may main ingredient na styrene ay maaaring magdulot sa tao ng sakit ng ulo, skin at irritation, hirap sa paghinga at iba pang pastrointestinal problems.

Nakasaad sa House Bill 6836 ay ipagbabawal na ang paggamit ng styro­foam sa mga groceries, supermarkets, public markets, restaurants, fastfood chains, department stores, retail stores at iba pang kaparehong establisyi­mento.

Ang mga may-ari, ma­nagers, administrator o sinumang namamahala sa isang establisyimento na gumagamit ng styrofoam ay pagmumultahin ng P10,000 hanggang P200,000.

 

Show comments