Magsasaka ibinaon sa lupa

MANILA, Philippines - Isang magsasaka na napaulat na nawawala ang natagpuan na ibinaon sa lupa at maraming taga ang katawan sa Brgy. Batas-Dao, General Aguinaldo, Cavite.

Ang biktima ay naki­lalang si Cresencio Ducon Sr., 82, biyudo at nakatira sa Brgy. Poblacion 1 ng nasabing bayan.

Sa salaysay ng  kaanak, kanilang iniulat sa pulisya ang pagkawala ng biktima noong Enero 25 ng taong kasalukuyan.

Kahapon nang makatanggap ng tawag ang pamilya ukol sa pagkaka­tagpo ng isang lalaki na ibinaon sa lupa na kinilala ng pamilya na iyon ang na­wa­wala nilang kaanak.

Show comments