Parak pisak sa trak

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang pulis matapos na salpukin ng isang trak ang minamanehong van kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Molino Road, Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Ang biktima ay naki­lalang si PO3 Danilo Malvar Agudong, 50-anyos, may-asawa, nakatalaga sa Parañaque City Police Station at residente ng Block 174, Phase 4, Brgy. Paliparan 2, Dasmariñas City, Cavite.

Ang suspek na dinakip ay kinilalang si Arnel Dimabuyu, 47, may asawa, driver ng Isuzu cargo truck (PTP-417) at residente ng Pulung Santol, Porac, Pampanga

Sa ulat, dakong alas-3:20 ng madaling-araw ay minamaneho ng biktima ang isang Mitsubishi L-300 (TFS-849) at binabaybay ang nasabing lugar nang banggain ng suspek ang   unahang bahagi ng van na nayupi na ikinaipit ng biktima na siyang ikinasa­wi noon din.

Show comments