Tserman kritikal sa tarak ng kagawad

MANILA, Philippines - Isang barangay chairman ang nasa kritikal na kondisyon sa ospital matapos na saksakin ng isa niyang kagawad sa gitna ng  kanilang pag-iinuman kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ang biktima na nasa Intensive Care Unit (ICU) sa San Juan de Dios Hospital ay nakilalang si Dante Torres, 56-anyos, chairman ng Barangay 174, Zone 17, Malibay, ng lungsod. Ang suspek na sumuko sa pulis­ya ay nakilalang si Oscar Bermejo, 54.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay magkasamang nag-iinuman ang biktima at suspek sa kaarawan ng isang Boy Salazar.

Bigla umanong nagtalo ang biktima at suspek  hanggang sa sampalin ng una  ang huli at  sinabihan na huwag sisigaw. Nagdilim umano ang paningin ni Bermejo na nakahablot ng patalim at inundayan ng saksak si Torres.

Show comments