MANILA, Philippines - Dead-on-the spot ang isang 19-anyos na binata matapos umano itong tumalon mula sa ika-9 na palapag ng tinutuluyang condominium kahapon ng umaga sa MandaluÂyong City.
Ang biktima ay nakilalang si Luke Daryl Santos, estudyante ng Philippine Maritime Institute at nakatira sa ika-9th palapag ng GA Tower 1 Bldg., Cordillera St., Brgy. Malamig, ng lungsod.
Ayon sa mga residente nakarinig sila ng malakas na lagabog dakong alas-7:00 ng umaga kaya’t inaÂlam nila ito at dito nakita ang biktima na duguan.
Ayon sa isang Bryan De Mesa, bago gawin umano ng biktima ang pagpapakamatay ay magkasama sila na nag-inuman at dito ay naibuhos nito ang problema sa mga magulang dahil sa pagkakaroon ng ibang pamilÂya ang ama na kung saan ay umabot ng magdamag ang kanilang inuman.
Nang ihatid ni De Mesa sa tinutuluyang condo, sa halip na kumatok sa pinto ay sa may fire exit nagtungo ang biktima.
Inihabilin pa umano kay De Mesa ng biktima ang cellular phone nito at mga kaibigan na siya na ang bahala.
Lumipas ang 15 minuto ay hindi pa bumabalik ang biktima at ng kanyang sundan ito ay nakitang nakahawak ito sa railing ng rooftop ng gusali.
Nagawa naman ni De Mesa at ng ina ng biktima na mapigilan ito at maipasok sa kanilang unit.
Ngunit nagawang makawala ang biktima at dire-diretsong tumaÂlon buhat sa rooftop ng gusali.