Celtics pinatalsik ang Heat patungo sa East semifinals

Naglambitin sa ring si Jaylen Brown ng Celtics matapos dakdakan ang Heat sa Game 5.

BOSTON — Bumanat sina Jaylen Brown at Derrick White ng tig-25 points para gabayan ang Celtics sa 118-84 pagsibak sa Miami Heat sa Game Five papasok sa Eastern Confe­rence semifinal round.

Tinapos ng Boston ang kanilang first-round playoff series ng Miami sa 4-1 at haharapin ang ma­nanalo sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Or­lando Magic.

Hawak ng Cavaliers ang 3-2 lead sa kanilang first-round duel ng Magic.

Nagsalpak si White ng limang 3-pointers at may 17 points si Sam Hauser,.

Humakot si Jayson Ta­tum ng 16 points at 12 rebounds para sa top-seeded Celtics na nagpos­te ng 37-point lead.

Pinamunuan ni Bam Ade­bayo ang Heat sa kanyang 23 points.

Hindi naglaro para sa Miami sina injured Jaime Jaquez, Jr. (hip), Jimmy Butler (knee) at Terry Ro­zier (neck).

Kumonekta ang Boston ng walong triples sa ope­­ning period patungo sa paglalatag ng 18-point lead sa second quarter.

Sa Los Angeles, hu­mu­­got si Luka Doncic ng 20 sa kanyang 35 points sa second half at nag­dag­dag ng 10 assists at 7 rebounds sa 123-93 pag­bug­bog ng Dallas Mave­ricks sa Clippers sa Game Five para agawin ang 3-2 lead sa kanilang Western Conference first-round series.

Show comments