OAKLAND, Calif. – Sinabi ni Stephen Curry na gumagaling na ang kanyang strained right quadriceps at plano niyang lumaro bilang starter sa laban ng Golden State Warriors kontra sa Dallas Mavericks nitong Martes ng gabi.
Nakibahagi lamang si Curry sa pakikinig ng kaÂnilang gagawing diskarte sa laro sa practice noong LuÂnes. Sinabi niyang hindi na ganoon kasakit ang kanÂyang nararamdaman sa kanyang binti at naniniwala siyang mailalaro niya ito habang papagaling na ang kanyang muscles.
“It’s just a matter of making sure it doesn’t get worse,’’ ani Curry.
Na-injury ang All-Star point guard sa panalo ng GolÂden State sa Boston noong Miyerkules at nakaÂramdam uli siya ng pananakit sa binti sa kanilang paÂnalo kontra sa Atlanta noong Biyernes. Nakita sa MRI noong Sabado ang strain.
Hindi pinansin ni Curry ang nararamdamang sakit noong Sabado nang magtala siya ng 18 points at nine assists sa 30 minutong paglalaro sa panalo ng Warriors kontra sa Phoenix, 113-107.
Gumawa siya ng 3-pointer at six assists sa 23-4 run sa third quarter para makalayo ang Golden State.
Bennett may injury na naman
Hindi makakalaro ang first-year forward ng Cavaliers na si Anthony Bennett nang hindi bababa sa tatlong linggo dahil sa strained left knee na siyang panibagong problema para sa No. 1 overall pick na naging malaking disappointment para sa Cleveland.
Sumailalim si Bennett sa MRI noong Linggo kung saan nakita ang strain sa kaliwang patellar tendon. Lumaro siya ng walong minuto noong SaÂbado sa kanilang pagÂkaÂtalo sa sariling balwarÂte laban sa New York Knicks.
Ang injury ay panibaÂgong balakid para kay BenÂnett, na nagpakita ng improvement nitong mga nagdaang linggo na isang senyales na puwede siyang maging rotational player.
“He’s been coming along,’’ sabi ni Cavs coach Mike Brown sa pracÂtice sa Cleveland CliÂnic Courts. “He’s had some pretty good games for us on both ends of the floor. So it’s tough with the amount of time left in the season, but it’s part of this.’’
Inaasahan ng Cavs na marami pa silang magiÂging problema kay Bennett, lumaro ng isang seaÂson lamang sa UNLV.
DuÂmating ang CanaÂdian player sa training camp na overweight maÂtapos operahan ang kanyang kaliwang balikat at nalamang mayroon siÂyang asthma, seasonal alÂlerÂgies at sleep apnea.