Eskalera numbers sumipag ng husto

MANILA, Philippines - Naging masipag ang eskalera numbers sa tatlong draw ng lotto noong nakaraang linggo.

Marami ang nakapuna sa sunud-sunod na labas ng eskalera numbers noong nagdaang linggo na tatlong beses nangyari.

Unang nagkaroon ng eskalera combination noong Dec. 21 sa 6/45 Mega lotto draw nang lumabas ang apat na sunod na numero sa kombinasyong 26-27-28-29 -17-35.

Nasundan agad ito sa 6/42 draw sa sumunod na araw nang magkaroon uli ng apat na sunod na numero sa kombinasyong 7-8-9-10-13-35.

Nagpahinga ang eskalera numbers noong Dec. 23 ngunit nasundan ito bago sumapit ang Araw ng Pasko.

Noong  Dec. 24, tatlong mabababang eskalera numbers ang lumabas sa 6/45 Mega lotto draw uli nang lumitaw sa machine ang 1-2-3 balls na sinundan naman ng 10-24 at 35.

Lagyan ng eskalera numbers ang inyong mga taya, baka makadale kayo.

Show comments