Tupas malapit nang umabot sa P3M ang kinita ngayong taon

MANILA, Philippines - Patuloy ang paglayo ni Ruben  Tupas sa hanay   ng mga trainers nang lumapit na ang  kanyang kita sa mahigit  P3 milyon.

Balikatan sila ni Dave dela Cruz sa pahusayan sa pagiging trainer ngunit angat pa rin si Tupas gayong palaban si Dela Cruz kung panalo sa segundo  at tersera  ang pag-uusapan.

Kumabig na si Tupas ng P2,877,571.96 na kinatampukan ng 124 panalo, 90 segundo, 87 tersero at 102 kuwarto puwestong pagtatapos.

Nakabuntot si Dela Cruz sa ikalawang puwesto  bitbit ang P2,016,398.44. Napag-iwanan siya  ng P800,000 ni  Tupas sa panalo ng mga panlabang kabayo  sa kanyang 108 wins pero angat siya sa segundo sa 109 at tersero sa 110  para mas maging balanse ang kanyang diskarte sa dalang mga kabayo.

Nasa ikatlo si Conrado Vicente at  pinapamunuan niya ang walong trainers na may mahigit na P1 milyong kinita.

Si Vicente na palagiang nasa unang tatlong puwesto sa mga nagdaang talaan ay mayroong P1,709,150.23 sa 95 panalo, 86 segundo, 91 tersero at 68 kuwarto puwesto bago siya sinundan ni Rey Henson at RR Yamco sa unang limang puwesto.

May P1,695,401.04 kita na si  Henson sa 74-85-95-76 bago sumunod si Yamco sa P1,444,471.90 sa 61-57-63-75.

Nasa ikaanim si MM Vicente sa P1,389,680.57 (69-79-86-87), si  RR Rayat ang nasa ikapito sa P1,238,793.08 (52-69-46-54), kasunod si JC Sordan sa P1,197,446.49 (69-51-53-53), JC Pabilic sa P1,195,831.19 (66-56-67-58) at DS Sordan na may P1,015,283.59 (66-43-39-32).

Hindi gaanong nakitaan ng tikas ang mga horse owners/trainers tulad nina JA Lapus, Rudy Mendoza at Herminio Esguerra.

Si Lapus ay  nasa ika-12 sa talaan sa P895,203.85 (47-48-59-73) habang si Mendoza ay nasa ika-13 puwesto  sa P889,475.27 (40-54-45-38) at si Esguerra naman ay nasa ika-18th puwesto sa P696,789.24 (41-32-12-31).

Show comments