Ang Kapitbahay (96)

“Paanong ikaw pa ang nagkakapera, Reynan?” tanong ni Vince na takang-taka at at hindi maunawaan ang sinasabi ni Renan.

“Meron kasi roong mga biyuda na naghahanap lang ng aliw e pinapatulan ko, hik! Nasiyahan na ako e nagka­pera pa.”

“Para kang call boy?”

“Parang ganun na nga Vince, hik!”

“Wala kang binabahay na babae—’yung dalaga?”

“Wala. Ba’t akoh magba­bahay ng babae e meron namang nag-aalok at ako pa ang binabayaran. Mas tamang term e akoh ang binabahay, hik!”

Hindi makapagsalita si Vince. Mali yata ang naka­rating kay Margie na nam­ba­babae si Renan.

“Yung kasalukuyang nag­babahay sa akin, malaki ang sahod—chief nurse—may edad na pero alaga ang katawan. Biyuda siya at dalawa ang anak, mga propesyunal na. Grabeng magmahal at grabe ring magbigay ng pera.”

“Pero di ba maganda rin ang job mo, Renan at malaki ang sahod. Kaila­ngan mo pa bang mamera sa mga biyuda?”

“Hindi ko naman hinihingi ang pera, kusa nilang binibigay. Tatanggihan ko ba ‘yun, hik?”

Napangiti si Vince. May katwiran si Renan.

(Itutuloy)

Show comments