Hiyasmin (156)

Nagpatuloy si Hi­yas­­min sa pagkukuwento­ kay Dax ukol sa napanagi­nipan nito. Duda naman si Dax pero hinayaan niyang magkuwento si Hiyasmin.

“Lagi akong sinusundan ng lalaki kahit saan ako magpunta. Hanggang isang gabi raw ay nasundan ako ng lalaki at nakapasok sa bedroom ko.

“Natutulog na raw ako nang biglang maramdaman ang pagpasok ng lalaki. Dahan-dahan itong humakbang patungo sa kama na kinahihigaan ko. Wala naman daw akong kakilus-kilos. Wala raw akong ginagawa para ma­pigilan ang lalaking nakapasok sa aking kuwarto.

“Hanggang sa tumigil ang lalaki at nanatiling nakatayo at pinagmamasdan ako. Walang ginagawa ang lalaki. Nakatingin lang sa akin.

“Hanggang sa magising na ako. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang totoong-totoo ang pangya­yari. Ang pinagtataka ko ay bakit walang ginawa ang lalaki. Dun natapos ang pa­naginip ko na maraming na­iwang katanungan sa akin. Bakit ako sinusundan ng lalaki at bakit nalaman ang bedroom ko? Ano kaya ang ibig sabihin nun, Sir Dax?’’

“Nakita mo ba ang mukha ng lalaki?’’

“Hindi!’’

“Anong suot ng lalaki?”

“Hindi ko matandaan—madilim kasi.’’

“May sinabi ba?’’

“Wala.’’

“Baka pangitain na dapat mag-ingat ka.’’

Napamulagat si Hiyasmin.

“Anong ibig mong sabihin, Sir Dax?’’

“Mag-ingat ka. Di ba minsan ay napasukan kitang naka-panty lang habang natutulog? Dapat hu­wag kang magpapababaya at laging nakasarado ang pinto.’’

“Ginagawa ko na po ang pag-iingat, Sir Dax.’’

“Siguro rin ay pahiwa­tig na huwag kang mag­titiwala agad sa mga hindi kakilala. Hindi dapat maging­ kumportable lalo na’t bagong kakilala pa lang—lalo kung lalaki.’’

Napatangu-tango si Hi­yasmin.

“Pero Sir Dax, hindi kaya ibig sabihin nun e merong lalaki na may malaking pag­kagusto sa akin pero hindi makapagtapat?’’ (Itutuloy)

Show comments