Hiyasmin (136)

Nahihiwagaan si Dax sa mga ikinilos ni Hiyasmin kanina. Ngayon lang naging palatanong si Hiyasmin mula nang tumira rito. Siguro nga’y nagtataka ito kung bakit wala pa siyang girlfriend e medyo nagkakaedad na.

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa at kinalimutan ang mga tinanong sa kanya ni Hiyasmin.

Pero lingid kay Dax, lihim din naman na nag-iisip si Hiyasmin sa kuwarto nito. Sinisi ang sarili kung bakit masyadong naging palata­nong kay Dax. Bakit ba hindi niya nakontrol ang sarili ka­nina at pati ang kawalan­ ng siyota ni Dax ay naita­nong niya. Sumobra naman­ yata ang pag­tatanong niya —masyadong private na yata ang ginawa niya. Baka isipin tuloy ni Dax na masyado na siyang “at home” at hindi na na­ngingilag.

Pero ang isang natiyak ni Hiyasmin, hindi nakarating kay Dax ang mga sinabi niya kay Nanay Julia. Na­ngako si Nanay Julia na hindi sasabihin ang mga sinabi niya na may kaugnayan kay Dax. Talagang napakabait ni Nanay Julia.

At muli niyang inalala ang mga sinabi ni Nanay Julia na gusto siyang maging ma­nugang nito. Napa­ngiti nang napakatamis si Hiyasmin.

Sinimulan na ni Hiyas­min ang pag-aaplay ng trabaho sa advertising companies. Marami siyang kompanya na pinadalhan ng apli­kasyon.

Makalipas lang ang isang buwan, natanggap na siya.

Tuwang-tuwa na ibinalita niya iyon kay Dax. Natuwa si Dax. (Itutuloy)

Show comments