Hiyasmin (97)

KINABUKASAN habang kumakain sila ng almu­sal ay masigla na si Hiyasmin. Tila nalimutan na ang nakita kahapon.

“Okey ka na, Hiyasmin?’’

“Okey na Sir Dax. Tama ka, hindi ako dapat magpa­dalus-dalos sa pagsusum­bong sa aking mama tung­kol sa ginagawa ng stepfather ko. Baka magkaroon pang mangyaring masama.’’

“Oo. Hindi natin masa­sabi ang mga maaring mang­yari. Basta cool ka lang muna. Huwag pabigla-bigla.’’

“Opo Sir Dax. Salamat muli sa mga paalala.’’

“Kapag tumagal na saka mo unti-untiing sabihin sa mama mo ang natuklasan mo. Pero sabihin mo sa pa­raang hindi naman siya masasaktan at gagawa ng kung anuman sa kanyang asawa.’’

Tumango si Hiyasmin.

Tinapos nila ang pagkain.

Niligpit ni Hiyasmin ang mga plato nilang ginamit at huhugasan pa sana pero si­naway ni Dax.

“Ako na ang maghuhugas niyan dahil hindi ako papasok sa opisina—work from home ako. Maghanda ka na sa pag­pasok—baka ma-late ka.’’

“Sige po.’’

Nagbihis na at pumasok sa unibersidad si Hiyasmin.

Kinahapunan, dakong alas singko, hinihintay ni Dax si Hiyasmin para ito ang magluto ng ulam nila sa hapunan.

Pero sumapit na ang alas sais ay wala pa si Hiyasmin.

Nang mag-alas siyete ay wala pa rin.

Naggisa na lang siya ng sardinas at kumain.

Nang mag-alas otso, nag-worry na siya. Baka nagdaan si Hiyasmin sa mama niya at sinumbong ang ginagawa ng stepfather? Baka hindi na napigilan ang sarili.

Itutuloy

Show comments