Hiyasmin (78)

Eksakto alas sais ng gabi ay nasa bookstore na si Dax. Maraming tao, karamihan ay estudyante na nagbabasa ng libro. Sale ang mga libro kaya dinagsa ng mga tao.

Tiyak na narito na si Hiyasmin dahil malapit lang dito sa bookstore ang unibersidad na pinag-aaralan.

Hinanap ni Dax si Hiyasmin. Nakaisang ikot siya bago nakita si Hiyasmin sa Fiction section. Nagbabasa ito.

Nilapitan niya.

Nagulat si Hiyasmin nang tawagin niya.

“Kanina ka pa Hiyasmin?”

“Opo. Malapit lang dito ang school namin.’’

“Sige hahanapin ko lang ang libro na bibilhin ko at aalis na tayo. Wait ka lang dito.’’

“Opo.’’

Madaling nakita ni Dax ang science fiction book na bibilhin. Kinuha at binayaran sa kahera. Binalikan niya si Hiyasmin sa kinaroroonan nito.

“Tayo na, Hiyasmin.’’

Lumabas sila sa bookstore.

“Mas mabuti yata ay kumain na tayo ng hapunan. Para hindi na tayo magluluto pa pagda­ting,’’ sabi ni Dax. “Ano sa ­palagay mo Hiyasmin?’’

“Sige po.’’

“Doon tayo sa chicken house na ‘yun,’’ sabi ni Dax habang nakaturo sa restaurant na nasa tapat ng bookstore.

Tinungo nila ang restaurant.

(Itutuloy)

Show comments