Suklam (132)

“Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Papa—na iiwan kami para sa kanyang babae,’’ sabi ni Leah na gumagaralgal ang boses. Nanatiling nakikinig si Brent. Damang-dama niya ang sinasabi ni Leah sapagkat siya man ay nakaranas din ng ganitong sitwasyon. Halos magkasingbigat ang dinala nilang problema.

“May bitbit na travelling bag si Papa. Dala lahat ang damit niya. Umagang-umaga nun. Halos mga tulog pa ang mga kapitbahay namin dito sa Sulucan. Nang palabas na siya ng pinto ay umiyak kami ng kapatid ko. Humagulgol ako sabay sabi kay Papa kung saan siya pupunta. Pero walang sagot at nagpatuloy sa pag-alis. Sinundan namin ng tingin hanggang sa may tarangkahan. Nagmamadali siya na parang may naghihintay sa labas.

“Wala kaming nagawa ng kapatid ko kundi ang umiyak. Hindi namin alam ang gagawin. Masyado kaming na-shock sa biglang pag-alis ni Papa. Walang sabi-sabi o pagpapaalam mula sa kanya.

“Makaraan ang ilang oras saka ako nakapagpasya. Tinawagan ko sa Hong Kong si Mama at sinabi kong umalis na si Papa.

“Umalis? Anong umalis?’’ tanong ni Mama.

Hindi ako makasagot dahil iyak ako nang iyak.

(Itutuloy)

Show comments