Suklam (111)

Naniniwala si Brent na kusang darating ang babae na pinapangarap niyang maging­ asawa. Kahit hindi hanapin, ma­kikita niya ang tama at maayos na babae na para sa kanya. Yun nga lang, hindi niya alam kung kailan yun at kung paano darating sa kanya. Sabagay, naisip ni Brent, maari siyang maghintay. Handa siyang hintayin ang babaing nais niyang maging asawa—at sana, hindi siya mabigo sa inaasam.

ISANG Sabado, nagtungo sa mall si Brent. Bibili siya ng regalo para sa aanakin sa binyag. Mula nang tumaas ang kanyang posisyon, dumami ang kumukuha sa kanya para maging ninong ng anak. Nung hindi pa siya napu-promote, walang ku­mukuha sa kanya. Iba na talaga kapag may posisyon, dumarami ang kaibigan.

Naglalakad siya patungo sa department store nang mapansin niyang nahulog ang wallet ng ba­baing nasa unahan niya.

Binilisan niya ang lakad para damputin ang wallet.

(Itutuloy)

Show comments