“E di ngayong alam mo nang ikaw ang Angel ng buhay ko, e sasagutin mo na ako?’’ tanong ni JC na abot hanggang taynga ang ngiti.
“Kailangan pa bang sagutin ko ikaw e sa kilos pa lang e halata nang mahal na mahal ko ikaw?’’
“Talaga?’’
“O e di ikaw naman ngayon ang di makapaniwala.’’
“Talaga ba, Angel?”
“Oo.’’
Niyakap ni JC si Angel. Buong pagmamahal na binulungan.
“I love you, sweetheart.’’
“Love you too, JC.’’
“Bukas, susunduin kita rito at dadalhin kita sa bahay. Tiyak na magtataka ang kapatid kong si Maria.’’
“Bakit magtataka si Maria?’’
“Kasi lagi niya akong tinatanong kung kailan mag-aasawa. Sabi ko sa kanya, ang pag-aasawa ay biglang dumarating. Sabi pa niya, wala raw akong nililigawan kaya paano ako magkakaasawa. Kaya bukas, sosorpresahin ko siya—makikita niya ang magandang babae na aking mapapangasawa.’’
Kinurot ni Angel sa braso si JC.
“Baka maniwala si Maria na maganda ako, JC, he-he-he!’’
“Maganda ka naman talaga. Bukas, maghanda ka ha? Dun ka na rin sa bahay kakain ng lunch.’’
“Yes sweetheart!”
Nang umuwi si JC, masayang-masaya siya. Napansin siya ni Maria.
“Ba’t ang saya-saya mo Kuya?’’
“May good news ako, Maria!”
“Ano?’’
“Nakita ko na ang babae na aking mapapangasawa.”
Itutuloy