Dioscora (212)

“Dahil sa pagiging alerto ng aking bodyguard, naprotektahan ako kaya hindi tina­maan. Nakipagbarilan siya sa tandem pero nakatakas din ang mga ito. Ang plaka ng motorsiklong ginamit ng tandem ay nakaw kaya hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas ang pag-ambus sa akin.

“Pero malakas ang kutob ko na si Dioscora ang “utak” sa pag-ambus sa akin. Wala nanan akong kaaway kundi siya. Siya lamang ang ma­aaring magpapatay sa akin. May pera na rin siya dahil siya ang nakinabang sa namanang kabuhayan ng anak kong si Nicodemus. Nalaman ko rin na malaki ang nakuha niya sa insurance ng anak ko. Naghihinala nga ako na ang maagang pagkamatay ni Nicodemus ay kagagawan niya para makakubra nang malaki sa insurance company.

“Para hindi na maulit ang pag-ambush sa akin, nagdagdag ako ng bodyguards. Hindi ko hahayaang basta na lamang ako mapatay sa utos ng babaing yun! Naging maingat na rin ako kapag nasa opisina. Sabi ko sa security, huwag basta magpapasok ng tao sa building. Nakatanggap ako ng report na may magtatanim daw ng bomba.”

(Itutuloy)

Show comments