“KANINO kayang kotse ang tumigil?’’ tanong ni JC kay Maria.
“Lagi namang may tumitigil diyan sa tapat. Baka sa kapitbahay?’’
Sinilip ni JC.
Nagulat siya kung sino ang dumating.
“Si Mam Dioscora!’’
“Si Mam?’’
“Oo. Ayun, teka at sasalubungin ko!’’
Patda si Maria. Hindi makapaniwala. Sumunod siya kay JC palabas,
Nakangiti si Mam Dioscora nang makita ang paglabas ni JC.
Bumaba ito sa sasakyan.
Nakipag-beso-beso kay JC.
“Kumusta kayo ni Maria?’’
“Mabuti po.’’
“Hindi ako nakarating kahapon. Nasa ibang bansa ako. Kagabi lang ako dumating.’’
“Ah sabi ko nga po kay Maria na baka conflict sa schedule mo kaya hindi ka nakarating.’’
“Oo.’’
“Paano mo po nalaman itong sa amin, Mam?’’
“Itinanong ko sa helper mo—kay Mulo.’’
“Ah…’’
“Si Maria, nasaan?’’
Hindi na nasagot ni JC si Mam dahil nasa likuran na niya si Maria. Nakangiti ito kay Mam.
“Siya si Maria, JC?’’
“Opo.’’
Niyakap ni Mam si Maria.
“Nice meeting you Maria at congratulations.’’
“Salamat po Mam. Hinintay po kita kahapon,” sabi ni Maria at napaiyak.
“O huwag kang umiyak.’’
Pinahid ni Maria ng kanyang daliri ang namutawing luha.
“Ang ganda mo po pala Mam,” sabi ni Maria.
“Ikaw ang ganda mo rin. Bagay sa iyo nursing pero bagay din sa’yo ang maging lawyer.’’
“Salamat po Mam.’’
Niyaya ni JC si Mam sa loob.
“Mam sa loob po tayo.’’
“Huwag na JC. Nagmamadali ako. Tulungan mo na lamang ako na ilabas ang mga pasalubong ko sa inyo at pagkain para sa selebrasyon ng graduation ni Maria.
Binuksan ni Mam ang passenger seat at kinuha ang mga pagkain. Tumulong sina JC at Maria.
Itutuloy