Dioscora (35)

“ANONG maraming alam, Kuya?’’ tanong ni Maria.

“Alam niya na mayroon akong kapatid at tinanong kung anong grade mo na at kung anong course ang kukunin. Kinukumusta kung ano ang lagay natin. Pati ang course ko, tinanong din. Nagtataka ako kay Mam.’’
“May concern siya sa kapwa Kuya. Ganyan siguro ang mga matulungin sa kapwa.’’

“Parang ganun nga siguro. Sabi pa sa akin, tiyaga lang daw at ma­kakatapos din ako. Sabi ko kasi nasa third year na ako ng engineering.’’

“Gusto ko siyang ma-meet Kuya. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero sa mga kinu­kuwento mo e talagang parang anghel siya sa kabaitan.’’

“Hayaan mo at darating ang araw ay ma­mi-meet mo siya.’’

“Sana sa graduation ko, he-he!”

Ngumiti lang si JC.

“Dalaga pa kaya siya Kuya?’’

“Ewan ko.”

“Sana dalaga pa.’’

Ngumiti uli si JC.

Itutuloy

Show comments