‘‘Bakit hindi mo ako sinigawan o minura kaya,’’ tanong ni Drew makaraang ipagtapat ni Marianne na alam nito ang ginagawa niyang pamboboso noon.
‘‘Hindi ko alam Drew. Puwede akong sumigaw nun pero hindi ko magawa. Parang wala akong lakas ng loob na ipahiya ka.’’
‘‘Sorry kung nagawa ko ‘yun, Marianne.’’
‘‘Alam ko rin nang sundan mo ako habang pauwi sa kubo. At alam mo ba, talagang sinadya kong magpahabol sa iyo para malaman mo ang kubo namin. Gusto ko, makilala rin kita. Kaya nang mahuli kita habang tinutulungan si Lola para sa pagpagamot sa mata nito, matagal na kitang kilala sa mukha.’’
‘‘Kaya pala hindi ka nagalit sa akin nung mahuli mo ako sa kubo.’’
‘‘Oo. Kunwari lang ‘yung pagkainis na ipinakita ko sa’yo—arte ko lang ‘yun!’’
‘‘May gusto ka na sa akin nun ano?’’
‘‘Hoy wala!’’
‘‘Kasi hindi ka nagalit sa akin kahit na maraming beses ko nang nasubaybayan ang paliligo mo rito.’’
Nagtawa si Marianne.
‘‘Aminin mo, may gusto ka ano?’’
Hindi nagsalita si Marianne. Nakangiti lang.
‘‘Magsabi ka nang totoo.’’
‘‘Oo na nga.’’
‘‘Sabi ko na nga ba.’’
Nagkatawanan sila.
‘‘Halika na. Goli na tayo. Ang sarap maligo diyan.’’
‘‘Sige na nga pero sandali lang ha?’’
‘‘Oo.’’
(Tatapusin)