ARAW nang pag-alis ni Keiko patungong Canada.
Hindi matapus-tapos ang paalaman nina Mommy Donna at Keiko. Ilang beses nagyakapan ang mag-ina.
“Mag-ingat ka Keiko. I love you Anak.’’
“I love you too Mommy. Promise, babalik agad ako rito. Mami-miss kita Mommy at ikaw din Ruth.’’
“Hihintayin ka namin Keiko. Chat tayo palagi.’’
“Oo, Ruth. I love you. Mami-miss talaga kita,’’ sabi ni Keiko at niyakap si Ruth.
“Take care.’’
Pumasok na sa loob si Keiko. Nang nasa loob na ay lumingon sa pintong pinasukan at natanaw pa sina Mommy Donna. Kumaway pa ito sa dalawa.
Hanggang sa hindi na matanaw si Keiko. Nasa pinakaloob na ito.
Ipinasya na nina Mommy Donna at Ruth na umalis.
Malungkot ang dalawa habang nagbibiyahe pauwi.
“Isang taon pa bago natin makita si Keiko, Ruth? Mami-miss ko ang anak ko.’’
“Mabilis lang ang isang taon, Mommy.’’
‘‘Sana huwag na siyang mag-stay sa Japan at dito na lang siya.’’
“Hindi puwede, Japanese citizen siya.’’
Nalungkot si Mommy Donna.
“E di aalis din siya after three months para bumalik sa Japan?’’
‘‘Okey na yun, Mommy. Dati nga ang wish mo ay makita lang kahit saglit si Keiko di ba?’’
“Oo.’’
“Kaya huwag ka nang malungkot. Magsaya tayo dahil lagi na nating makakasama si Keiko. Magpasalamat tayo.
(Itutuloy)