BINANTAYAN ni Zac si Mam Dulce sa buong magdamag. Nakaupo siya sa silya. Doon na siya nakatulog. Mahimbing na mahimbing si Mam Dulce.
Dakong alas singko na ng umaga ito nagising. Nagulat si Zac nang maramdaman ang pagbangon ni Mam.
“Mam, kumusta ang feeling mo?’’
“Medyo okey na ako Zac. Diyan ka pala natulog. Bakit di pa sa kuwarto mo, kawawa ka naman.’’
“Baka po kasi bumangon ka e walang aalalay sa’yo. Nakatulog naman po ako rito sa silya. Masarap din ang tulog ko Mam.’’
“Parang biniyak na naman ang ulo ko Zac. Hindi ko alam kung bakit.’’
“Baka kailangan mo nang magpahinga sa mga dinadaluhan mo Mam. Kasi po sunud-sunod ang mga activities mo.’’
“Oo nga, baka nga kailangan ko nang magpahinga pero naisip ko rin, hindi kaya lalong sumakit ang ulo ko kung titigil ako sa aking nakagawiang trabaho. Parang ayaw ko rin nang ganun Zac.’’
“Kailangan po siguro e mag-outing na tayo. Di ba nasabi mo nun na umuwi tayo ng probinsya namin para makita ang Encarnado Beach. Masarap dun Mam. Mare-relax ka.’’
“Sige, i-schedule natin. Maganda siguro sa summer ano. Masarap sa beach.’’
“Opo Mam. Masarap tanawin ang sunset.’’
“Sige. O matulog ka na uli Zac sa room mo. Okey na naman ako.’’
“Sure ka Mam na kaya mo na.’’
“Oo. Sige na, salamat Zac.’’
Tumingin si Zac kay Mam.
“E Mam, may sasabihin sana ako…’’
“Ano yun?’’
Pero hindi masabi ni Zac.
(Itutuloy)