Damo sa pilapil (50)

KUNG anu-ano ang nai-isip ni Zack ay Mam Dulce. Siguro kaya ganun ay dahil sa labis na niyang pag-aalala rito. Napa-kabait sa kanya ni Mam. Marami siyang utang na loob at kung may masamang mangyayari rito, tiyak na apektado siya.

Pero siya na rin ang kumontra sa mga iniisip. Bakit ba siya nag-iisip ng ganun? Hindi niya dapat ligaligin ang sarili ukol doon. Hindi siya dapat mag-isip ng negatibo. Kung ano raw ang masamang iniisip ay ‘yun ang mangyayari. Kaya dapat pawang magaganda at positibo lamang ang iisipin nya kay Mam Dulce.

Dapat din niyang isipin na kayang pangalagaan  ni Mam ang kanyang sarili. Hindi siya dapat mabahala.

LUMIPAS pa ang isang linggo bago dumating si Mam Dulce. At nagulat si Zac sapagkat hindi dala ni Mam ang kanyang SUV. Sa halip, inihatid ito ng isang BMW. Gabi nang dumating si Mam. Nakasilip siya sa bintana nang dumating ang sasakyan.

Bumaba ang lalaking drayber na mga 60-an-yos na rin siguro, guwapo at binuksan ang pintuan sa harapan. Bumaba si Mam Dulce. Nag-usap ang dalawa. Masayang nag-usap ang dalawa. Pakumpas-kumpas pa ang lalaki habang nagsasalita. Mukhang executive ng kompanya ang lalaki.

Siguro’y mga limang minuto na nag-usap sina Mam at ang lalaki at nang matapos ay nagpaala-man na. Humalik pa ang lalaki kay Mam.

Nakangiti si Mam nang pumasok sa gate. At saka tinanaw ang paalis na sasakyan ng lalaki.
Nang mawala sa pani-ngin ang sasakyan ay saka lamang pumasok sa bahay si Mam.

Para namang ipinako si Zac sa kinatatayuan.

(Itutuloy)

Show comments