SIRA na nga yata ang ulo ni Jam at nagbantang huhubarin na ang palda. Walang magawa si Jose kundi pumayag sa gusto ni Jam.
“Huwag mong hubarin ‘yan. Payag na ako,” sabi niya.
Tumigil si Jam sa paghuhubad.
“Halikan mo ako,” sabi nito.
“Huwag dito. Sa bahay mo na lang. Baka makita tayo ng guard, mapresinto pa tayo.’’
“Papayag ka rin pala, ang dami mo pang arte.’’
“Isuot mo nang blouse mo at ayusin ang palda mo. Baka sabihin pa mayroon tayong ginagawa.’’
“Talagang mag-eeskandalo ako! Lalabas ako sa kotse na naka-bra at panty at magsisisigaw. Sasabihin ko sa guard na nirereyp mo ako. Tingnan ko lang kundi ka maeskandalo.’’
Gigil na si Jose pero hindi siya nagpahalata. Delikado pala talaga ang lagay niya sa sira-ulong babaing ito. Siya lagi ang nasa masamang kalagayan kapag hindi sumunod sa kagustuhan ng babaing ito. Sana ay tumakas na siya kaninang nasa restaurant sila. Naging maginoo kasi siya. Hindi pala dapat kung ganito ang babae.
Nang maisuot ni Jam ang blusa at naayos ang palda, pinatakbo na ni Jose ang kotse. Lumabas sila sa parking.
Problema ni Jose kung paano makakatakas kay Jam. Tiyak na hindi siya pakakawalan ni Jam pagdating sa bahay nito. (Itutuloy)