Black Widow (112)

“ANG galing mong kumumbinsi Jose, suko na ako,” sabi ni Marie.

Hindi naman makapaniwala si Jose sa narinig. Kung suko na si Marie sa kanya, iisa ang ibig sabihin niyon, mahal din siya nito. Mayroon din itong damdamin para sa kanya. Yeheyy!

Iyon ang naging hudyat para hawakan ni Jose ang palad ni Marie. Hindi naman iniiwas ni Ma­rie ang palad. Ti­nanggap niya ang pagpisil ni Jose sa kanyang palad. Isang palatandaan na mahal nga rin niya ang lalaking iyon sa kabila na may­roon siyang kinatatakutang mangyari sa hinaharap --- ang mamatay muli ang lalaking pakakasalan.

‘‘Mahal mo rin ako?’’ tanong ni Jose.

‘‘Ano sa palagay mo?’’

‘‘Sabi ko na nga ba.’’

‘‘Huwag mo namang ilakas ang bo­ses mo at baka sabihin ng mga nasa katabi natin ay para tayong mga kinikilig na tinedyer. Matatanda na tayo ‘no ?’’

‘‘Okey po.’’

Hindi mailarawan ang kasiyahang nadama ni Jose sa pag­kakataong iyon. Hindi pa rin siya makapaniwala na magkasintahan na sila ni Marie.

‘‘Akala ko wala nang pag-asa, yun pala mayroon pa.’’

Napatawa si Marie.

‘‘Korni ba? Tanong ni Jose at hina­wakan muli ang palad ni Marie.

‘‘Hindi naman. Gusto ko ang mga ginagawa mo, he-he-he!’’

“Gusto ko huwag na nating patagalin. Magpakasal na agad tayo.’’

‘‘Hoy ang bilis naman. Hindi pa nga natin alam kung pa­payag ang mga anak-anak natin.’’

‘‘Mauunawaan naman siguro nila tayo.’’

‘‘Kasi baka magtampo sa akin si Pau. Ayaw kasi ayaw na niya akong pag-asawahin pang muli.’’

“Ipaliwanag mong mabuti sa kanya.’’

‘‘Ikaw, paano mo ipaliliwanag kay Iya ang relasyon natin?’’

“Sasabihin ko sa kanya ng deretsuhan. Sasabihin ko na nagmamahalan tayo at wala namang masama dahil para tayong malaya.’’

Napatangu-tango si Marie.

“Paano pag nala­man ni Jam ang lahat?’’’

‘‘Ano naman kung malaman niya?’’

‘‘Hindi kaya masaktan siya?’’

“Bakit siya masasaktan?’’

“Inagaw kita sa kanya.’’

‘‘Nope. Siya ang nang-aagaw.’’

“Paano kung pilit ka niyang agawin sa akin?’’

“Hindi mangyayari iyon, Marie.”

(Itutuloy)

Show comments