Black Widow (88)

“HALIKA, tulungan mo akong buhatin si Jam sa bedroom at pupunasan ko nang mali-gamgam na tubig para mawala ang kalasi­ngan,” sabi ni Marie kay Jose.

Pinagtulungan ni- lang buhatin sa kuwarto nito ang tulog na si Jam.

Naghanda ng maligamgam na tubig si Marie at pinunasan ang kaibigan. Pagkatapos punasan, naghanap ng mga damit sa cabinet at pinalitan ito. Wala pa ring kamalay-malay ang lasing na si Jam. Ubusin ba naman ang isang boteng imported na alak!

Pero habang binibihisan ni Marie ang ka­ibigan ay hindi siya ma­­kadama ng galit o pagkainis sa gina-wang pagkalasing nito. Kaninang pinagtitripan nito si Jose ay nanliliit siya pero ngayon ay nauunawaan na niya ang kaibigan. Siguro’y talagang idinadaan lamang sa ganun ang problemang dinaranas. Wala na itong ibang mapagbalingan kundi ang mangulit. Nauuunawaan na niya si Jam dahil sa pinagdadaa-nan nito. Sa kanya man mangyari na ang mga anak ay ayaw ipakita, baka halos maloka-loka siya.

Matapos maiayos si Jam sa kama nito, lumabas na si Marie. Tulog na tulog pa rin si Jam. Baka bukas na ng umaga ang gising nito. Kaya nga ang pasya ni Marie ay dito na matulog para may kasama ang kaibigan.

Nang lumabas siya nagbabasa ng diyaryo si Jose.

‘‘Nagugutom ka Jose? Halika kain tayo. Tulog na tulog pa si Jam.’’

Kumain sila ng hapunan.

‘‘Kung gusto mong umuwi, okey lang Jose. Ako na lang ang matitira para may makasama si Jam.’’

‘‘Samahan na kita. Okey lang sa akin.’’

“Baka hanapin ka ng anak mo?’’

“No. Kasama niya ang kanyang tita.’’

“Kakaawa kasi si Jam kung walang kasama.’’

‘‘Oo. Delikado talaga.’’

‘‘Salamat.’’

“Makakapagkuwentuhan tayo nang ayos habang narito.’’

Napangiti si Marie.

Nagkuwentuhan nga sila. Halos mag­hahatinggabi na sila nang matulog.

KINABUKASAN, hiyang-hiya si Jam kina Marie at Jose.

‘‘Sorry sa inyong dalawa kagabi. Hindi ko alam ang ginaga-wa ko.’’

“Okey lang Jam,” sa­bi ni Marie. (Itutuloy)

Show comments