Black Widow (41)

NALUNGKOT si Marie sa tuluyang pagkawala ni Jam sa kanilang opisina. Mula noon, wala na siyang kakuwentuhan at kasama sa pagkain ng lunch. Si Jam lamang ang tanging malapit sa kanya. Naging magkaibigan sila dahil magkasabay silang na-hire sa kompanya. Matanda siya ng ilang taon kay Jam.

Kapag Sabado na walang pasok sa opisina, tinatawagan niya si Jam. Nangungumusta. Inaalam kung ano ang buhay. Ngayong buntis na si Jam, alam niya, kailangan nito nang ma­kakausap.

“Anong balita, Jam?’’ Tanong niya.

“Okey lang, Marie,” sagot nito. Halatang malungkot. Walang sigla­. Dati, kapag nag-u­usap sila ay tumatagin­ting ang boses ni Jam.

“Kumusta ang pagbubuntis mo?’’

“Halata na. Hindi ko na maisuot ang damit ko.’’

“Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?’’

“Dito lang sa bahay.’’

“Si… yung ka-live in mo?’’ Hindi masabi ni Marie ang pangalan ng lalaking sinamahan ni Jam.

“Si Coco? Okey lang din.’’

“Dun pa rin sa trabaho niya?’’

“Hindi na.’’

“Bakit?’’

Hindi sumagot.

Iniba niya ang usapan.

“Anong balita sa mga anak mo?’’

Hindi pa rin sumagot. Hanggang sa ma­rinig niya ang hikbi.

Nang tumigil sa paghikbi, saka sumagot.

“Ayaw nang ipakita ang mga anak ko!’’

“Sinubukan mong hanapin?’’

“Oo. Pero wala na. Hindi ko nakita. Iti­nago na!’’

Si Marie naman ang hindi nakapagsalita.

Si Jam ang luma­labas na masama ngayon. Tiyak na hindi na ipakikita sa kanya ang mga anak.

“Anong gagawin ko, Marie?’’ tanong ni Jam at saka umiyak.

Hindi malaman ni Marie ang isasagot o ipapayo. Para namang madudurog ang puso niya sa nangyayari sa kaibigan.

(Itutuloy)

Show comments