“NASAAN ka Jam?’’ Tanong ni Marie.
“Dito sa inuupahan naming bahay sa Dapitan.’’
“Kaya pala wala ka na sa bahay n’yo. Pinuntahan kita roon nung isang araw dahil pinahahanap ka ni Boss.’’
“Umalis na ako roon.’’
“Ikaw lang? Nasaan ang mga anak mo?’’
“Nasa asawa ko. Hiwalay na talaga kami.’’
Gimbal si Marie.
“Puwedeng magkita tayo, Marie? Ikaw na lang ang tanging tao na mapagsasabihan ko nang lahat. Puwede Marie?’’
“Kailan ba kita sina-bihang hindi? Nag-hindi lang ako sa’yo nang niyaya mo akong manood sa KAYUMANGGING IBON nun.’’
“Salamat Marie.’’
“Saan tayo magkikita?’’
“Sa isang fastfood na malapit sa UST.’’
“Sige. Magkita tayo roon.’’
NAKITA agad ni Marie si Jam sa fastfood. Sa itsura ni Jam ay halatang may mga dinadalang problema. Sa tingin niya, nanga-yayat ang kaibigan.
“Salamat, Marie,” sabi ni Jam nang makaupo siya.
“Ano bang nang-yari, Jam? Lumaki na ang problema mo.’’
“Hindi ako nagsisisi, Marie.’’
“Paano ang mga anak mo?’’
“Kinuha na ng mister ko.’’
“Paano ang bahay n’yo?’’
“Siya na ang bahala.’’
Natahimik sila.
Si Marie ang nagsalita.
“Alam na buntis ka?’’
“Sinabi ko. Pinagtapat ko.’’
“Anong reaksiyon?’’
“Galit. Sabi ko, naranasan din niya ang naranasan ko. Hindi nakapagsalita. Doon na nagtapos sa amin ang lahat. Kanya-kanya kami. Wala akong nagawa nang dalhin ang aming mga anak.’’
Natahimik sila.
“Anong plano mo ngayon?’’
“Magre-resign na ako sa trabaho Marie.’’
(Itutuloy)