Black Widow (14)

INEKSAMIN ng doktora si Marie sa isang maliit na kuwarto habang naghihintay si Jam. Kinakabahan si Marie habang inieksamin siya nang mabait na oncologist.

Mabilis lang ang pag-eksamin.  Sa isang tingin lang ay alam na agad nang magaling na doctor kung cancerous o hindi ang nunal ni Marie.

“Don’t worry, hindi cancerous ang nunal mo,” sabi ng doktora.

“Thanks God!” Nasabi ni Marie.

“Salamat po Dok­tora,” sabi naman ni Jam na natutuwa rin sa resulta ng eksaminasyon.

Pagkaraang magba­yad ay umalis na ang dalawa. Nagkukuwentuhan sila habang palabas ng ospital.

“Nakakahinga na ako nang maluwag, Jam.’’

“Pakiramdam ko nga.’’

“Kanina habang ini­eksamin ang nunal sa pusod ko ay wala akong tigil sa pagdarasal.’’

“Napansin ko nga nang pumasok ka sa cubicle ni Doktora ay parang namumutla ka.’’

“Kasi’y kawawa naman ang anak ko kung matitigbak ako.’’

“Mabuti na yung na­papa-check-up agad kaysa naman huli na ang lahat, di ba?’’

“Oo, Jam. Mabuti at ikaw naging friend ko. Maaasahan ka talaga.’’

“Alam mo nag-iisip din ako sa nangyayari sa iyo.’’

“Dahil sa nunal o dahil sa pagiging mabiyudahin ko?’’

“’Dahil sa pagiging mabiyudahin mo. Nakakatakot kung iisipin na pagkaraan ng 10 taon kung mag-aasawa ka pa, e mamamatay uli ang asawa mo.’’

“Oo nga.”

“At alam mo ang naisip kong payo sa’yo?’’

“Ano?’’

“Huwag ka nang mag-asawa. Tutal naman at may anak ka na. Tama na. Putulin mo na ang tali.”

Nag-iisip si Marie.

(Itutuloy)

Show comments