Black Widow (10)

NALILIGO si Marie nang ma­pansin ang nunal sa kanyang pusod. Ngayon lamang napansin ni Marie ang nunal na iyon. Sa dami ng parte ng kanyang katawan ay kung bakit doon pa ito tumubo. Hindi kasi iyon mapapansin dahil nasa loob iyon. Kung basta padadaanan ng tingin, maaaring ipagkamali na libag iyon na naipon doon at nangitim.

Pinagmasdan ni Marie ang nunal na nasa loob ng kanyang pusod. Maitim na maitim iyon na kasing­laki ng butil ng monggo. Maaaring napansin niya ang nunal dahil malaki na ito at nasasalat na.

Pinagmasdan pa niya ang nunal. Hindi naman siguro cancerous ito. Ang alam niya, kapag cance-rous ang nunal ay namumula o nagbabago ng kulay. Palatandaan din umano na cancerous ang nunal kapag hindi gumagalaw kapag sinalat. Ang nunal niya ay malambot sa salat.

Hanggang sa maitanong niya sa sarili, hindi kaya ang nunal niyang iyon ang dahilan kaya siya mabiyudahin. Sabi ang mga nunal daw ay may ibig ipakahulugan. Hindi lang daw ito dekorasyon sa balat kundi mayroon itong ibig sabihin. Baka nga ang nunal na ito ang dahilan kay madalas siyang mamatayan ng asawa o mabiyudahin.

Hindi siya mapaniwalain sa mga ganito pero nga-yong tatlong sunod nang namamatay ang kanyang asawa, ay nagbabago na ang kanyang pananaw. Unti-unti na siyang natata-ngay na baka nga may kaugnayan ang nu-nal. Ang misteryosong pagtubo sa loob ng kanyang pusod ay may ibig ipahiwatig.

Muli niyang pinagmasdan ang nunal sa pusod. Kakaiba nga ang itsura nito! Kailangan kayang doktor ang pagtanungan niya ukol dito?

Hanggang maisip niya na bakit kaila-ngang kunsultahin ang doktor? Mabubulatlat pa ang kanyang birheng pusod dahil sa nunal, ha-ha-ha! Hindi na! Sasarilinin na lang niya ang tungkol sa kanyang nunal sa pusod. Pero magre-research siya sa internet ukol sa nunal na nasa pusod at kung may kaugnayan ito sa kanyang pagiging mabiyudahin.

Tinapos niya ang paliligo. Pinatuyo niya ang katawan. Muli niyang nasalat ang nunal sa pusod.

Lumabas siya ng banyo at nagtungo sa kanyang kuwarto at nagbihis.

Makaraan ay nag-research na siya sa internet makaraang makapaligo. Atat siyang malaman kung ano ang kahulugan ng kanyang nunal sa pusod. Gusto niyang malaman kung may kaugnayan ito sa kanyang pagiging mabiyudahin. Hindi na niya ipagpapabukas pa ang pagsasaliksik ukol sa kanyang nunal.

Pinuntahan niya ang isang website na nagsasabi ng kahulugan ng mga nunal sa katawan.

At nagulat siya sa nabasa ukol sa nunal na nasa pusod.

(Itutuloy)

Show comments