Sinsilyo (163)

NAPANGISI si Lolo Kastilaloy nang makitang patungo sa banyo si Lyka para maligo. Maganda pa rin si Lyka at sariwang-sariwa. Mabuti at inaanakan ni Mau. Baka naman baog si Mau? Matagal na ring nagsasama ang dalawa e wala pang anak. Sabagay, kapag nanganak si Lyka, baka pumangit na ang itsura. Baka tumaba ay hindi na magandang silipan sa paliligo.

Hinintay ni Kastilaloy na makapasok sa banyo si Lyka. Pinalampas ang sampung minuto. Kabisado na niya ang ginagawa ni Lyka bago maligo. Uupo muna ito sa “trono”. Hubad na hubad habang nakaupo. Magtatagal doon ng mga sampung minuto. Maghuhugas pagkatapos. Saka lamang maliligo. Bubuksan ang shower. Dati, tabo lang ang gamit sa banyo pero ipinagawa ni Mau ang shower.

Nang sampung minuto na ang nakalipas, mabilis na nagtungo si Kastilaloy sa ginawa niyang bahay na lata sa likod. Pumuwesto siya sa ginawang butas. Sinilip si Lyka. Nakatapat sa shower si Lyka. Pinumpino ang tubig na tumatama sa hubad na katawan nito. Hindi kumukurap si Kastilaloy. Kahit na araw-araw niyang sinisilipan si Lyka ay hindi siya nagsasawa. Parang pagkain si Lyka na hindi nakakaumay. Sana nga ay hindi na ito mag-anak. Sana ay baog si Mau. Kapag nanganak si Lyka, uusli ang puson nito at magkakaroon ng bilbil. Pa-ngit nang silipan. Sa halip na ang makita ay “hiyas”, bilbil ang makikita. Sagwa!

Idinikit pa ni Kastilaloy ang mata sa butas. Kitang-kita ang flat na puson ni Lyka. Sa baba ng puson ay ang “pugad ng uwak” na halos takpan ang “pisngi ng langit’’. Ipinagpatuloy pa niya ang pagsilip. Nagsabon ito. Puro bula ang katawan. Minasahe nang todo ang mga suso. Malalaki ang mga suso ni Lyka pero hindi pa bagsak. Nakatayo pa rin ang mga ito. Mayayabang pa rin. Napahingal si Kastilaloy.

Patuloy siya sa pagsilip. Nagbanlaw si Lyka. Naalis ang mga bula sa katawan. Dinampot ang batong panghilod at itinaas ang kanang paa sa inidoro. Hiniluran niya ang mga paa. Sa posisyong iyon, nakita ni Kastilaloy ang tinatakpan ng “pugad ng uwak”. Lalong hiningal si Kastilaloy. Lihim niyang nasabi ang pangalan ni Lyka! Maghaharap din tayo Lyka!

Habang sinisilip si Ly­ka, binabalangkas ni Kas­tilaloy kung paano iba-blackmail si  Lyka. Tatakutin niya ito na isusumbong kay Mau. Ibibisto niya na ito ang kumuha ng mga barya. Sa dami ng nakuha ay kakaunti na lamang ang natira sa mga barya. Sasa­bihin din niya na ito ang pumapasok sa kuwarto ni Gaude kapag madaling araw. Tiyak na palalayasin ni Mau si Lyka.

Nag-isip siya. Kung isusumbong niya kay Mau, baka wala na siyang silipan.

(Itutuloy)

Show comments