Sinsilyo (148)

TUMAYO si Gaude. Hirap na hirap. Namamaga ang pisngi at kanang mata dahil sa suntok ni Mau. Tutungo siya sa kuwarto para kunin ang damit at ilang gamit pero itinulak siya ni Mau.

“Wala kang dadal­hing gamit. Maski yang suot mo, galing sa akin yan. Hubarin mo yan!” sabi ni Mau na galit na galit pa rin.

Hinawakan naman siya ni Lyka sa braso, “Hayaan mo na Mau. Gusto mo bang maglakad nang hubad yan sa kalye at saka baka masa­bit ka pa. Baka may magreklamo e kasuhan ka.’’

“Ano? Anong ikakaso e ako nga itong tinarantado ng hayup na ito. Pinakain ko tapos e ako pa ang wina­langhiya at ginahasa ka pa. Gusto ko nga, patayin na ito!”

“Huwag na, haya­an mo nang umalis. Magtitiis na lang ako sa ginawa niya,’’ sabi ni Lyka at umiyak pero wala namang tumutulong luha.

“Tahan na!’’

“Pinuwersa niya ako. Tinutukan!” sabi pa ni Lyka at muling umiyak pero walang pumapatak na luha.

Tinapik-tapik ni Mau sa ba­likat si Lyka at pagkaraa’y binalingan si Gaude na noon ay halos magsara na ang mga mata dahil sa matinding suntok.

“Lumayas ka na bago kita mapatay. Huwag na huwag kang babalik dito. Hiwag kang magpapakita rito!”

Halos hindi makahakbang si Gaude. Parang namanhid ang kanyang mga paa at binti.

Pero pinilit niya. Ka­ilangang makalabas siya ng bahay. Baka patayin siya ni Tito Mau dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa.

Nakalabas siya ng gate at naglakad. Hindi niya alam kung saan pupunta.

Samantala, galit na galit pa rin si Mau. Pero niyakap ni Lyka.

“Mau, mabuti at pinalayas mo na si Gaude. Salamat sa’yo. Wala nang gagahasa sa akin.’’

Niyakap siya ni Mau.

Nasa likuran pala nila si Lolo Dune Kastilaloy. Nakangisi. Lihim na nagsasaya sa tagumpay.

(Itutuloy)

Show comments