BIGLANG dumating si Mau sa kanilang bahay sa probinsiya. Iyon ang ikalawang pagka-kita niya kay Mau. Una niya itong nakita noong Grade 6 siya. Ngayon ay graduate na siya sa high school. Galing ito sa Maynila. Si Mau ay pinsan ng kanyang tatay. Halos magkasing-edad ang kanyang tatay at si Mau pero mas batang tingnan ang huli. Maayos manamit si Mau at makinis samantalang ang kanyang tatay ay sunog sa araw ang balat dahil sa pagtatrabaho sa niyugan at sagingan.
“Hindi ka man lamang nagpasabi na darating ka, Mauro. Sana nakapaghanda ako kahit paano.’’
“Paano naman ako makakaÂpagsabi sa’yo e wala ka man lang cell phone. Pero gusÂto ko talagang sorpresahin ka, Enchong.’’
InilaÂbas ni Mau ang mga pasalubong. May damit at impor-ted na alak.
“Maglalasing tayo, Pinsan,†sabi nito at binuksan ang alak. Tinawag si Gaude na naghuhugas ng pinggan. “Utoy pahingi ng baso.â€
Nagdala ng dalawang baso si Gaude.
“Binata na itong si Gaude ano, Pinsan?â€
“Oo. Graduate na ng high school ‘yan.’’
“Parang kailan lang e sipunin pa ito at walang salwal,†sabi at nagtawa at saka nagsalin ng alak sa dalawang baso.
“Bakit ngayon ka lang uli nakapunta rito, Mauro?â€
“Marami akong trabaho, Pinsan.’’
“Ang ganda siguro ng trabaho mo sa Maynila ano?â€
“Oo. Busy ako lagi.’’
“Ang ganda kasi ng suot mo. Makinis na makinis ka rin. Parang hindi ka nasisikatan ng araw, Mauro.’’
Napahalakhak si Mau. “Siyempre naaaraÂwan din ako, Pinsan.’’
“Ako tingnan mo, parang balat ng litson, ha-ha-ha!’’
“’Yan ang balat nang masipag.’’
“Mahirap ang buhay dito Mau. Mura na kasi ang kopra. Wala nang bumibili. Ang saging naman ay walang bunga dahil dinaanan ng bagyo. Gusto pa namang mag-aral ni Gaude sa kolehiyo. Wala akong pagkukunan. Baka puwede mo siyang isama sa Maynila at makapagtrabaho at makapag-aral.’’
Natigilan si Mau.
“Ikaw nga lang pala ang bumabalikat sa kanya ano? Nasaan na ba ang asawa mo?â€
“Hindi ko alam. Wala akong balita.’’
Napatangu-tango si Mau.
“Kawawa naman si Gaude. Medyo may utak pa naman yan.’’
“Hindi ba ‘yan mapili sa trabaho, Enchong?â€
“Hindi. Kahit ano kaya niyan.’’
“Sige. Isasama ko siya. Pero…’’ (Itutuloy)