Halimuyak ni Aya (504)

TAMANG-TAMA ang school na pinagawa ni Abdullah Al-Ghamdi sa pagbubukas ng klase. Masayang-masaya ang lahat lalo na ang mga magulang. Hindi na mahi­hirapan ang kanilang mga anak sa kakapusan ng silid-aralan. Hindi na rin mababasa kung umuulan. Hindi na magsisiksikan sa makipot na kuwarto. Bukod doon ay may dalawang comfort room na kasyang-kasya ang mga estudyante.

Sa inagurasyon ng MA. CHRISTINA DELA VEGA MEMORIAL SCHOOL, ma-damdamin ang pagsasa­lita ni Sam sa harap ng mga magulang, guro at mga opisyal ng munisipyo.

“Ipinaaabot po ng         aking ama na si Comm. Abdullah Al-Ghamdi ang pagbati sa inyong lahat. Gusto sana niyang dumalo sa ina­gurasyon ng MARIA CHRISTINA MEMORIAL SCHOOL pero hindi na po kaya ng kanyang katawan. Meron siyang tinataglay na sakit. Magkaganoon pa man, kahit daw wala siya rito, ipagpatuloy natin ang pagsasaya at pagsalubong sa bagong gusali na magpapanday sa talino ng ating mga anak. Gamitin daw po natin nang may kabuluhan ang bagong gusali para makamtan ang tunay na edukasyon. Ang mahusay na edukasyon ang magpapabago sa buhay ng sinumang tao. Kung mayroong sapat na edukas-yon, nakatitiyak po nang magandang bukas.

“Sabi rin po ng aking ama, handa siyang tulu-ngan ang mga matatalinong estudyante para makatapos ng kolehiyo. Handa po siyang ipagkaloob ang lahat ng kanyang ikakaya para maging maganda ang kinabukasan ng kabataan…’’

Habang nagsasalita si Sam, lumapit si Imelda at Numer kay Aya na noon ay nakaupo at nakikinig sa talumpati ng asawa.

“Aya, excuse, may mahalaga kaming sasabihin ni Numer,” sabi ni Imelda.

Tumayo si Aya at su­mama kina Imelda at Numer.

“Nakatanggap ng text si Numer mula Saudi Arabia. Tungkol kay Abdullah…”

Hindi makapagsalita si Aya. Kinabahan siya.

(Itutuloy)

Show comments