Halimuyak ni Aya (494)

“MALAKING kayamanan ito para sa atin, Numer. Kahit na hindi ka na bumalik sa Saudi, mabubuhay na tayong dalawa nang maayos,” sabi ni Imelda habang nakatingin kay Numer.

“Talaga namang hindi na ako babalik sa Saudi, Imelda. At siguro, iyon ang dahilan kaya niya tayo binigyan ng ganito kala-king halaga.’’

“Siguro nga. Parang tumama tayo sa lotto, ano, Numer?”

“Oo. Hindi natin ito ma­uubos.’’

“Sa palagay mo, matuloy ang balak na negosyo ni Abdullah dito at dito na kaya siya tumira?”

“Kung walang magi-ging problema maaaring matuloy iyon, Imelda. No­ong nasa Riyadh pa ako at kausap si Abdullah, naitanong na niya sa akin kung anong mga negosyo ang pumipik-ap dito sa Pilipinas. Sabi ko, ukol sa pagkain at realty. Nag-isip siya. Para bang pinag-aralan. Sabi ko pa, malakas din ang retail business. Nag-isip uli. Kasi sanay na siya sa negosyo dahil ilan ang pinatatakbo niya sa Riyadh.’’

“Ano sa palagay mo ang nasa isip niyang negosyo?”

“Walang sinabi. Siguro, pinag-aaralan muna. Matalino rin kasi si Abdullah at hindi basta-basta pumapasok sa hindi kabisado.’’

“Pero bakit naman kaya niya balak dito mag-retire? Kasi siyempre mas masarap sa sariling bansa. At isa pa, paano ang asawa niya?’’

“Pero papayag daw di ba? Mukhang maba-it naman ang asawa niya at sunud-sunuran kay Abdullah.’’

“Ipagtatapat na siguro na mayroon siyang anak dito sa Pilipinas.’’

“Oo.’’

“Sana nga matuloy siya rito. Iyon ang gusto ni Sam. Kahit hindi nagsasalita si Sam, pakiramdam ko, gusto niyang makapiling nang matagal ang ama. Di ba nasabi ni Sam na gusto niyang maalagaan ang health ng ama. Kasi patungo na rin sa pagtanda si Abdullah.’’

“Iyan din ang dinada-sal ko. Sana dito na nga siya mag-retire.’’

“Siyanga pala, Numer, ano kaya ang binigay ni Abdullah kay Sam. Kung sa atin ay napakalaking pera, siguradong mas malaki kay Sam. Baka kaya pinamanahan si Sam ng oil field, he-he!”

“Baka pera rin ang binigay. Sobra-sobra kasi ang pera ni Abdullah. Baka ibinigay na ang kaparte. Ang suwerte ni Sam ano?’’

“Masuwerte rin tayo dahil kay Sam at kanyang ina na si Cristy. Kung hindi natin nakilala si Sam, wala tayong kayamanan.’’

 

NANG mga sandaling iyon, binubuksan na nina Sam at Aya ang envelope na ibinigay ni Abdullah.

Nang mabuksan, mga tseke iyon nagkakahalaga nang malaking halaga ng pera.

Pero nagtaka ang da-lawa nang may makitang sulat sa envelope. Sulat ni Abdullah para kay Sam.

Binasa ni Sam ang sulat. (Itutuloy)

Show comments