NANG mapuntahan nila ang lahat nang mga magagandang tanawin sa bansa, sa magagandang beach resort naman nila dinala si Abdullah Al-Ghamdi. Hangang-hanga si Abdullah sa Pinamalayan Beach Resort na nasa Oriental Mindoro. Puting-puti ang buhangin at napakasarap tapakan. Malinis na malinis ang dagat. Sa linaw ng tubig ay makikita ang buhangin sa ilalim. Halatang sabik sa dagat si Abdullah.
‘‘Kasi’y walang dagat sa Riyadh. Hindi katulad sa Jeddah at Al-Khobar o kaya’y Dammam. Sa Riyadh ay pawang disÂyerto ang makikita,’’ sabi ni Numer habang kaÂusap si Imelda. Tinatanaw nila si Abdullah habang nakikipagÂlaro sa apat na anak nina Sam at Aya. Nag-uusap din naman sa di-kalayuan sa kanila sina Sam at Aya habang nakatanaw kina Abdullah at mga bata.
“Halatang enjoy na enjoy si Abdullah dito sa Pilipinas ano, Numer?’’
“Oo. Parang malayang-malaya siya rito.’’
“Teka nga pala, Numer, di ba naikuwento mo sa akin na nakiusap sa’yo si Abdullah na gawing sekreto ang pagkakaroon niya ng anak sa labas. Natatakot siya sa asawa niya?’’
“Hindi naman siguro natatakot. Baka gusto lang niyang isekreto ang tungkol dun.’’
‘‘Ilan ba ang asawa ni Abdullah ?’’
‘‘Isa lang daw. Hindi siya katulad ng ibang Saudi na apat ang asawa.’’
“Ilan ang anak nila?’’
“Isa lang daw. Babae. Hindi na raw nasundan dahil may problem sa ovaries ang babae.’’
“Kaya siguro sabik na sabik sa anak na lalaki ano?’’
‘‘Oo. At alam mo ang iniisip ko, Imelda?’’
“Ano?’’
‘‘Palagay ko, pamamanahan ni Abdullah nang malaki si Sam.’’
‘‘Bakit mo nasabi ’yun?’’
“Basta naisip ko lang. Mayaman na kasi si Abdullah. Napakarami niyang negosyo – tindahan ng tela, may restaurant na ang specialty ay kabsa at shawarma, mayroong puwesto ng mga lumang gamit sa Manfouha at mayroon pang palitan ng pera sa Batha. Nitong huli, nasabi niya na may taniman siya ng tamr o dates sa Diriyah. Yung sinusuweldo bilang Navy officer ay barya lang yata.’’
“Mayaman nga talaga. Suwerte ni Sam, ano Numer�’’
“Oo. Napakasuwerte talaga niya.’’
“Nasabi sa akin ni Aya, na para raw nasabi ni Sam minsan sa kanya na parang imposible raw na magkita pa silang mag-ama. Parang mahirap daw mangyari. Iyon pala ay hindi imposible. Eto nga at nakikipaglaro na sa kanyang mga anak ang kanyang Arabong ama.’’
SUMUNOD na mga araw, hindi inaasahan ni Sam ang hihilingin ni Abdullah. Gusto nitong makita ang bayan na sinilangan ni Cristy. Nabanggit daw iyon ni Cristy sa kanya noon.
Kinabukasan, nagÂtungo sila sa probinsiya ni Cristy na nilakihan din ni Sam.
(Itutuloy)