Halimuyak ni Aya (486)

“SINONG sila?” tanong ni Sam.

Si Aya ang sumagot, “Ang father mong si Abdullah Al-Ghamdi! Siya ang dumating! Siya yung naka-Amerikana!”

Hindi makapaniwala si Sam.

“Kasama niya si Numer na kaibigan ni Tita Imelda. Halika lapitan natin!”

Nagtungo sila sa kinatatayuan nina Abdullah at Numer. Naghahanap naman ang mga mata ni Numer. Hindi pa sila nakikita.

“Numer!” tawag ni Imelda.

Napalingon sa direk­syon nila si Numer at si Abdullah.

Hanggang sa magka­tinginan sina Sam at Ab­dullah. Parang may bugso ng kung anong puwersa sa katawan ni Sam at lumapit sa ama na ngayon lang nakita.

“Dad?”

“Sam!”

Iyon lang ang nasabi nila at mahigpit na nagyakap. Si Abdullah ay tila hindi pa rin makapaniwala. Matagal at mahigpit ang kanilang pagyayakap. Pakiramdam naman ni Sam sa oras na iyon, kumpletong-kumpleto na ang buhay niya ngayon. Wala na siyang mahihiling pa.

Ipinakilala ni Sam kay Abdullah si Aya at si Imelda. Mahigpit din ang yakap na iniukol ni Abdullah kay Aya at Imelda.

Si Numer na ang nagpaliwanag ng mga bagay-bagay na gagawin ni Abdullah. Naka-schedule na ang mga pupuntahan. Sinabi kung saan tutuloy si Abdullah habang nasa bansa. May naka-reserba nang suite sa isang five star hotel si Abdullah. Doon na rin sila magsasalu-salo. Wala na raw iintindihin pa sina Sam at Aya. Gusto rin daw ni Abdullah na maging memorable ang pagkikita nila ni Sam kaya gusto niya makapag-usap silang mabuti. Marami raw sasa­bihin si Abdullah kay Sam. Kung ano ang mga sasabihin ay si  Abdullah lang daw ang nakaaalam.

Nagtungo sila sa five star hotel sa Makati. Makaraang makapagpalit ng damit, nagsalu-salo sila sa isang masarap na lunch. Okupado nila ang mala-king room. Bumaha ang pagkain na pinaghalong Filipino at Arab cuisine. Habang kumakain ay masayang nagkukuwentu-han sina Sam at Abdullah at nakikisali sa usapan si Aya.

Sa kabilang dulo ng mesa ay si Imelda at Nu-mer naman ang nag-uusap. Masayang-masaya sina Imelda at Numer.

“Natupad na rin ang pangarap ni Abdullah na makita ang anak. Kanina habang palabas kami ng NAIA, nasabi sa akin ni Abdullah na kinakabahan daw siya. Hindi raw niya alam ang gagawin kapag nakita ang anak na si Sam.’’

“Kaya pala hindi siya makapagsalita nang lapitan ni Sam at yakapin.’’

“Marami raw siyang sasabihin kay Sam. Hihingi raw siya ng tawad sa nagawang pagkukulang.’’

“Mukhang mabait si Abdullah ano, Numer.’’

“Oo. Iba siya sa mga Saudi na nakilala ko.’’

“Nagpapasalamat ako sa Diyos ay nagkita ang mag-ama, Numer.’’

“Walang imposible sa Diyos, Imelda.’’ (Itutuloy)

Show comments