Halimuyak ni Aya (477)

SINABI ni Imelda kay Aya kung bakit big-lang umuwi ng bansa si Numer mula Saudi Arabia. Inutusan ito ni Abdullah Al-Ghamdi para hanapin si Cristy at ang anak nito.

Hindi pa rin makapaniwala si Aya na ganoon lang kadali makikita ni Doc Sam ang Arabong ama.

“Tito Numer, kailan po kaya magkikita si Sam at kanyang fa- ther na si Abdullah?”

“Depende kung ka­ilan gusustuhin ni Abdullah. Maaaring magtungo si Abdullah dito o kaya hilingin niya kay Sam na magkita sila sa Saudi o kahit sa ibang bansa na kanilang mapagkakasunduan.’’

“Mas maganda kung pumunta siya rito Tito Numer para makita pati ang mga apo niya. Tingnan mo po ang ang mga anak namin ni Sam. Halata pong may dugong Arabo.’’

“Oo nga. Guwapo at maganda. Ilan na ba ‘yan, Aya?”

“Dalawa po. Pero mayroon na pong kasunod dahil buntis ako ngayon. Gusto po kasi ng daddy ko na maraming apo. Si Sam po ay gusto ring maraming anak.’’

“Kayang-kaya naman ninyong suportahan dahil mayaman kayo.’’

Napangiti lang si Aya.

Pagkatapos ay may tinanong ito kay Numer, “Tito, sa palagay mo, gustung-gusto ni Abdullah na makita si Sam?”

“Oo. Sa sobrang pagnanais niya, binigyan ako nang maraming pera. Kung kulang pa raw, tawagan ko siya. Kaya nai-imagine ko kung gaano siya kaligaya kapag nalamang nakita ko ang kanyang anak.’’

Halos mapaluha si Aya sa katuwaan. Magkikita rin ang mag-ama sa darating na panahon.

Gabi na nang magpaalam si Numer.

Nang makaalis ito, biniro ni Aya si Imelda. “Tita, bagay kayo ni Tito Numer.”

Ngumiti si Imelda.

(Itutuloy)

Show comments