“NUMER, hindi ko akalain na mangyayari ito,†sabi ni Imelda habang nakatingin kay Numer.
“Na magkakaibigan tayo sa ganitong age na malapit nang mag-senior?â€
“Oo.’’
“Wala namang tinakÂdang edad ang pag-iibigan ng babae at lalaki. Kusang bumubukal ang pag-ibig ke bata o matanda.’’
“Sabagay. Ang ipinagtataka ko rin ay napakabilis nang pangyayari. PaÂrang kahapon lamang tayo nagÂkakilala sa telepono at ngayon ay “mag-ano†na tayo.’’
“E di mas lalo kang magÂtataka kung bukas ay kasal na tayo.â€
Nagtawa si Imelda. TiÂnakpan ang bibig dahil napalakas ang tawa. PagÂkatapos ay kinurot sa braÂso si Numer.
“Parang kaya naman na pakasalan ako bukas. Siyempre ipakikilala muna kita kina Doc Sam at Aya. Sila ang mga tumatayo kong kamag-anak.’’
“Walang problema. PagÂnaipakilala mo ako, e di pakasal na tayo. Kaila-ngang magmadali tayo dahil malapit na tayong mag-senior, he-he!â€
“Pero paano ang tungkol kay Abdullah Al-Ghamdi. Di ba ipinangako mo sa kanya na hahanapin si Cristy at ang anak nila.’’
“Solb na yun di ba? Wala na naman akong hahanapin dahil nakita ko na.’’
“Pero paano ang binigay na pera sa’yo para gastusin.’’
“Aba e di sa atin na yun. Ang laki ng binigay niya, Imelda. Kasi nga ang akala e matagal ang aking paghahanap kay Cristy. Kung kulang pa raw, tawagan ko siya.’’
“Pagbalik mo sa Saudi, ipagtatapat mong nakita mo na si Cristy?â€
“Oo. Pati ang anak niyang si Doc Sam, ibabaÂlita ko. At tiyak ko, matutuwa siya.’’
“Maski si Doc Sam, gustong makita ang amang Saudi.’’
“Pero ngayon, ang ating mga sarili muna ang intindihin natin.’’
Tumango si Imelda. MaÂtapos ang kanilang unang date, isinama ni Imelda si Numer sa pag-uwi at ipinakilala kay Aya.
Gulat na gulat si Aya.
(Itutuloy)