Halimuyak ni Aya (461)

“BAKIT ka nagulat nang sabihin ko ang pangalang Melchor, Numer?’’ tanong ni Imelda.

“A, kasi’y may kasamahan din akong Melchor sa Saudi Navy noon.’’

“Babaero rin? Manlo­loko rin?’’

“Ah hindi. Mabait yung kasama kong si Melchor. Makadiyos, mabait at mabuting ama. Kaya nang banggitin mo ang panga­lang Melchor kanina na dati mong kasintahan na niloko ka, nagulat ako. Kasi nga’y yung kilala kong Melchor ay ubod nang bait.’’

“Ah kaya pala nagulat ka.’’

“Oo. Gaano kayo ka­tagal na naging magka­sintahan ng Melchor na ‘yun?’’

‘‘Sampung taon.’’

“Matagal pala. Masyado kang nasaktan?’’

“Oo naman. Akala ko kasi kami na ang mag­kakatuluyan. Pa­niwala ako na matapat siya at talagang ako lamang ang babae sa buhay niya. Mali pala ako. Yun pala, habang magkasinta-han kami, mayroon pang isang nililikot at binuntis. Ang sakit Kuya Eddie.’’

“Kaya mula noon, hindi ka na nagmahal uli?’’

“Oo. Natakot akong   masaktang muli.’’

“Pero may nanligaw pang iba matapos kayong magkahiwalay ni Melchor?’’

“Meron pero sarado na nga itong puso ko.’’

“E ngayon puwede   nang buksan?’’

“Puro ka biro, Numer.’’

“Hindi ako nagbibiro.’’

Binago ni Imelda ang usapan.

“Uy anong balita kay Abdullah. Sabi mo, ikaw ang bahalang magsabi   sa kanya nang tungkol        kay Doc Sam.’’

“Ay oo nga pala, may nangyaring maganda! Minsan, naglalakad ako sa Aiport Road, malapit sa Saudi Navy HQ, hi­nintuan ako ni Abdullah. Pinasasakay ako sa kotse niya. Naka-sibilyan siya. Sumakay ako.’’

(Itutuloy)

Show comments