TINUPAD ni Aya ang kahilingan ni Dra. Sophia na doon na tumira sa bahay nito.
Nang araw na lilipat si Aya ay mahigpit na pinagbilinan si Sam na alagaan ang condo unit niya.
“Sam, lagi mong bisitahin itong unit ko.’’
“Oo. Pero puwede mo namang puntahan ito di ba? Para namang ang layo rito ng bahay ni Tita Sophia.’’
“Baka hindi ko magawa dahil busy rin ako sa work ko. Ikaw na ang bahala rito. Ayaw ko kasing biguin si Tita sa pangako ko na sa kanya titira. Isa pa, talagang gusto ko siyang makasama. Parang ina na ang turing ko sa kanya.’’
“Halata ko nga. Ang sarap ng kuwentuhan n’yo.’’
“Kasi ang bait niya. Hindi yata marunong magalit. Kaya nakapagtataka kung paano pa siya iniwan ni Papa.’’
“Napakabait nga niya, Aya. Parang nabuhay sa katauhan niya si Mama Brenda.’’
“Kaya nga gustung-gusto ko siya, Sam.’’
“Sana nga doon na rin ako titira pero ayaw ni Tita.’’
“Kapag kasal na raw tayo saka ka puwedeng tumira roon.’’
“Ang higpit ni Tita. Pero okey lang. Palapit nang palapit naman ang kasal natin. Kapag natapos ang board exam, iyon na.’’
“Sana topnotcher ka, Sam. Ikaw pala ang magma-manage ng ospital nila. Malaki ang tiwala sa kakayahan mo.’’
“Pipilitin kong manguna sa board, Aya.’’
“Ipagdarasal kita, Sam.’’
SA malaking bahay na ni Dra. Sophia nakatira si Aya. Higit pa sa mag-ina ang turingan nila. Parang nabuhay nga si Mama Brenda sa katauhan ni Doktora.
“Napakabait mo, Tita.â€
“Narinig ko naman ang papuri mo Aya.’’
“Talaga namang mabait ka. Para kang si Mama.’’
“Kasi mabait ka rin Aya.’’
“Halimbawa, dumating si Papa, patatawarin mo, Tita? Tatanggapin mo?â€
(Itutuloy)