“IKAKASAL na kami ni George next month,†masayang sinabi ni Julia kay Aya. “Isa ka sa bridesmaid, Aya.â€
“Talaga? Ginulat mo ako, Julia. Hindi ko akalain na ang babaing pakakasalan pala ni George ay ikaw…’’
Napangiti lang si Julia. Hindi na niya dapat pang sabihin kay Aya na si George ang ginamit niya para sirain sana ang relasyon nila ni Sam. Ang nakaraan ay hindi na dapat pang buhayin. Tapos na iyon. Napagsisihan na niya. Gusto na niyang maging maganda ang relasyon nila ni Aya at Sam. Hindi na sila mga bata. Tama na ang pagkakamali.
“Kayo ni Sam, kailan kayo pakakasal?†tanong ni Julia.
“Pag lumabas ang result ng Medical board exam next year. Kukuha na next week ng board exam si Sam.â€
“Tiyak malaking selebrasyon ang mangyayari, Aya. Tiyak ko topnotcher si Sam. Matalino si Sam.â€
“Iyan din ang dalangin ko, Julia. At sa kasal namin, isa ka rin sa bridesmaid.’’
“Salamat, Aya.’’
“Ano ang balak n’yo ni George pagkatapos ng kasal n’yo?â€
“Sabi ni George, kung gusto ko raw na magtungo kami sa Canada o Australia, payag siya. Kasi nasabi ko kay George na noon pa ay mayroon na akong papeles patungong Canada. Ang pinagtatrabahuhan ko kasi ay mga nagpa-proÂcess ng mga nagtutungo abroad kaya madali para sa akin na makapunta roon. Pero siguro iisipin ko rin. Si George pa rin ang may final say. Kasi, mayroon siyang malaking palaisdaan sa Pampanga at Bulacan. Nagsu-supply siya ng isda sa isang malaking restaurant. Kung maganda ang negosyo niya, baka i-shelved ko ang plano sa abroad. Pag-iisipan namin. Pero kung matuloy yun, baka matagal pa.â€
“Baka naman, sa kasal namin ay paalis kayo. Magagalit ako sa inyo ni George.’’
Nagtawa si Julia.
“Hindi uy! Kung sakali, aalis lang kami kung ka-sal na kayo ni Sam.’’
“Pangako yan ha?â€
“Oo.’’
Marami pang pinag-usapan sina Aya at Julia. Sina Sam at George naman ay nag-uusap sa di-kalayuan. Masaya rin ang pag-uusap ng dalawa.
Hatinggabi na nang umalis sina George at Julia. Mahigpit ang kanilang pagpapaalaman. Lubos na lubos na ang kanilang pagkakaibigan. Wala nang problema kahit katiting.
(Itutuloy)